k a h i r a p a n
Every people experiencing different problems. As i observe our country which is the Philippines, i saw many homeless people. That is why i made a short spoken poetry for them. Not to discriminate them but to give them inspiration.
Pakinggan mo ang ginawa kong tula kaibigan,
At sa ginawa kong tula,
May puso ka kung tutulo ang iyong luha
Kung iniisip mo na ikaw ang pinaka malas sa mundo,
nagkakamali kaDahil di yan totoo
Para sa mga kabataang nakakaranas nito,
Nais kong damhin mo ang bawat salita ko.
Tenga, ilong, panlasa, balat at mata
ito'y tinatawag na senses o kung sa tagalog ay pandama
uulitin ko, tenga, ilong, panlasa, balat at mata
Tenga, rinig ko ang lahat ng hinaing ng kapwa ko
Oo, ang bawat reklamong sinasambit ng mga ito
Ilong, ang mga ilong na ito'y sanay na sa amoy ng squaters area na nakikita niyo
Amoy ng sinasabi ninyong mababahong tao, pero hindi nyo tinuring na totoong tao.
Panlasa, bukod sa lasa ng pagpag at asin
nalasahan ko narin ang pait ng kahirapan ang pait ng kalupitang aking naranasan.
Balat, damang dama ko ang sakit ng paggiging isang kapus palad
ramdam ko ang paggiging mahirap yung sa paggiging salat ay nababad.
Mata, na namulat na sa kahirapan
Namulat sa lugar na walang makapitan.
Lahat ng pandamang ito'y naranasan na ang sakit ng kahirapan
Pero lahat din ng ito ang tumutulong sa akin upang magpatuloy sa laban
Kaya ikaw, ikaw.
Wag kang bibitaw aking kaibigan
I hope that this words will be appreciated and help everyone to become hopeful in life.
Comments
Post a Comment